IRR para sa expanded career progression sa public school teachers – nilagdaan na

Nilagdaan na ng Department of Education (DepEd) at ng iba pang mga ahensya ang implementing rules and regulations (IRR) para sa ‘Expanded Career Progression System’ para sa mga public school teachers.

Layunin ng IRR ng Executive Order 174 na magkaroon ng mas malinaw na progression, ‘o ‘yung pag-angat sa katungkulan ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Read More:  De Lima says senate not a ‘sanctuary’ for Bato

Sa ilalim nito, masi-streamline na ang promotion at paglago ng career path ng mga teachers.

Nilikha rin ang mga bagong teaching positions para sa classroom teaching career line.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Ibig-sabihin, mas flexible na ang mga options, sakali mang gusto ng mga guro na lumipat mula sa teaching career – papunta sa administration level.

Hindi na rin hihintayin pang mag-resign ‘o mag-retire ang isang teacher para lang ma-promote ang isa pang guro sa puwesto.