GOOD NEWS SA MGA MOTORISTA – Rollback ang inaasahang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtataya ng mga oil industry sources, maglalaro sa P0.80 hanggang P1.00 ang maaaring itapyas sa kada litro ng gasolina.
P0.80 hanggang P1.00 ang inaasahang bawas sa kada litro ng diesel at kerosene.
Sa kabila nito, mayroon pang isang trading day kaya mayroon pang final estimates na ilalabas bukas.
Kapag nagkataon – ito na ang ikatlong linggong sunud-sunod na tapyas sa presyo ng diesel at kerosene.
Maaalalang dagdag-bawas ang naging adjustment nitong Martes.
Araw ng Lunes, ia-anunsyo ang opisyal na price adjustment; habang magiging epektibo naman ito sa araw ng Martes.