Mga pumping stations sa Metro Manila – ‘beyond capacity’ ayon sa MMDA

Ipinaliwanag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may kapasidad lang din ang mga pumping stations.

Ito ay sa gitna ng matinding pagbaha na naranasan sa ilang lugar sa Metro Manila na dala ng bagyong Carina.

Read More:  Orly Guteza recants suitcase allegations against Martin Romualdez

Ayon kay MMDA Usec. Procopio Lipana, ‘beyond capacity’ talaga ang pumping stations.

May isa nga aniyang pumping station sa Libertad na nasira, at ngayon ay inaayos na.

Sinabi ni Lipana na kapag ang volume ay lumagpas na sa kapasidad, wala na silang magagawa rito.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Sa huli, tiniyak nitong pagtutulungan ng MMDA at DPWH ang 50-year drainage master plan.

Pagtutulungan umano nilang i-manage ang mga basura sa bansa.