IPPO, nanatiling number 1 sa Regionwide SACLEO

Nanatiling number 1 performer ang Isabela Police Provincial Office sa Regionwide Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO).

Sa pamumuno ni PCol. James Cipriano ang Provincial Director ng IPPO, ang IPPO simula noong buwan ng Enero ngayong taon ay nanatiling top performing sa Anti-criminality operations sa anim na probinsya sa lambak ng Cagayan.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Ito ay matapos ang mga matagumpay na operasyon sa kampanya kontra iligal na droga, pagkakaaresto ng mga Top at most wanted persons, illegal logging, illegal gambling at iba pang operasyon.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Samantala, pinuri naman ni PCol. Cipriano ang tropa sa kanilang masigasig na paggampan ng kanilang tungkulin para sa matagumpay na pagsawata sa mga iligal na gawain at kriminalidad sa probinsya.

Photo/IPPO