Ipo-ipo, sumira ng bubong ng isang bahay sa bayan ng Narra

Nabaklas at nayupi ang bubong na yero ng isang bahay sa Quirino Extension sa Poblacion ng Narra Palawan.

Ayon sa isang nakatira dito na si Dennis Haban, bandang alas-otso ng umaga kanina ay bigla na lamang natanggal ang bubong ng bahay kasabay ng malakas na ulan at ihip ng hangin.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

May nakakita rin aniya na dinaanan ang bahay ng isang Ipo- ipo kaya ang mga bubong nito ay napadpad ng hanggang 300 metro ang layo.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Maswerte na lamang ay hindi nasugatan ang isang kapatid ni Dennis habang ito ay nasa loob ng bahay kanina.