OSG – walang impormasyong isinailalim na sa blue notice ng Interpol sina ex-PNP chief Sen. Bato dela Rosa

Walang impormasyon si Solicitor General Menardo Guevarra hinggil sa pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs.

Sinabi kasi ni Trillanes na kahilingan ng ICC prosecutors na ilagay na sa blue notice ng Interpol si Senador Ronald Dela Rosa at ang apat na iba pang dating opisyal mula sa Philippine National Police (PNP).

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Ayon kay Guevarra, wala silang personal knowledge na may inisyu ang ICC na blue notice.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Wala umano silang natatanggap na kahit na anong official communication hinggil dito.

Samantala, sinabi din nito na palagay niya ay hindi naman ganoon katindi ang epekto ng blue notice.

Magagamit lang aniya ito para hanapin ang lokasyon ng isang tao.