International make up artist at hairstylist na si James Cooper, pumanaw na

Matapos ang ilang linggo mula nang pumanaw ang sikat na make up artist na si Fanny Serrano, pumanaw na din kagabi ang international make up artist at hairstylist na si James Cooper.

Si Cooper ay pumanaw sa edad na 73 bandang alas-6:20 kagabi sa San Pablo Laguna.

Sa inisyal na impormasyon, nawalan ng malay si Cooper sa San Pablo Cathedral para sa Santacruzan kung saan naitakbo siya sa Community General Hospital.

Ilan lamang sa mga Hollywood personalities na nakatrabaho ni Cooper sina Farrah Fawcett, Victoria Principal, Jamie Lee Curtis at Barbara Carrera.

Si Cooper din ang official make up artist ni Maricel Soriano sa maraming project nito tulad ng Ikaw lang ang Minahal, Soltera, Kung maibabalik ko lang, Mila at Babaeng Hampaslupa

Samantala, wala pang detalye ang pamilya ni Cooper para sa burol at libing nito.