7 mangingisda, nawawala; 13 nailigtas matapos ang banggana ng cargo at fishing vessel sa Palawan

Nagkabanggaan ang MV Happy Hiro, cargo vessel at bangkang pangisda nitong Sabado , May 28, 2022 sa karagatang sakop ng Maracanao Island, Agutaya, Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang bangka ay may lulan na 20 mangingisda at matapos ang banggaan ay 13 lamang sa mga ito ang nasagip habang ang 7 kasama ay nawawala.

Ang mga nakaligtas ay nagtamo ng sugat at galos sa iba´t- ibang bahagi ng katawan na agad inilipat sa MV Happy Hiro bago dinala sa Lipata, Culasi, Antique.

(📸PCG PHOTO )

Sa report ng PCG ang mga nakaligtas ay sina:

  1. Donde Petiero, 38, Estancia, Iloilo
  2. Roderico Mata, 31
  3. Randy Mata, 36
  4. Renie Espinosa, 38
  5. Mario Quezon, 24
  6. Sammuel Ducay, 40
  7. Rendil Dela Peña, 42
  8. Martin E. Flores Jr., 58
  9. Jupiter Jbañiez, 38
  10. Andring Pasicaran, 43
  11. Jonel Mata, 30
  12. Joemar Pahid, 32
  13. Arjay Barsaga, 26

Samantala, patuloy naman ang search and rescue operation sa 7 pang nawawala ng mga kawani ng PCG’s BRP Suluan (MRRV-4406), PCG Station Cuyo, at PCG Sub-Station Agutay sa Iloilo.(BNFM PALAWAN)

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *