Interior Chief Año, nahawa sa COVID-19 sa ikatlong pagkakataon

Nagpositibo sa COVID-19 si Interior Secretary Eduardo Año, sa ikatlo nang pagkakataon.

Ayon kay Año, lumabas ang kanyang test result noong Lunes, pero ngayon umano, nananatili siyang asymptomatic.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Matatandaan na unang nahawa sa virus ang naturang opisyal sa mga unang araw ng pandemya noong March 2020, at muling nahawa sa parehong taon noong Agusto.

Noong January 2021, nag-medical leave ang kalihim sa loob ng tatlong buwan, para lubusang makarekober mula sa naturang sakit, na kalaunay kinumpirmang sumailalim rin siya sa dalawang heart surgeries.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Agriculture Secretary William Dar na mabilis ang kanyang pagrekober ngayon mula rin sa COVID-19. //MHEL PACIA