Comelec 1st Division, dedesisyunan na ang DQ cases vs Marcos sa Jan. 17

Pagdedesisyunan na ng Commission on Election’s First Division ang disqualification cases laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bago o sa January 17.

Ayon kay Commissioner Rowena Guanzon, sakaling hindi umano masyadong risky, babasahin nila ito sa Session Hall, sa pamamagitan ng live stream.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Una nang isinumite ng Comelec ang disqualification case kay Marcos, para sa resolusyon na inihain ni Abubakar Mangelen.

Samantala, ang dalawang disqualification cases na inihain ng martial law survivors sa pangunguna ni Bonifacio Ilagan at Akbayan Citizen’s Action Party ay naconsolidate na, na ibig sabihin ang parehong petisyon ay magkakaroon ng joint decision.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mababatid na iginigiit ng parehong grupo ng mga petitioners na ang conviction para sa non-payment ng taxes at non-filing ng income tax returns ni Marcos, ay may penalidad na perpetual disqualification mula sa public office. //MHEL PACIA