Iniwasang barikada ng topdown bumangga sa kasalubong na motorsiklo, sa San Fernando, Camarines Sur; 2 patay, 2 sugatan

NAGA CITY – Patay ang drayber ng topdown at ang sakay nito, habang sugatan ang dalawang drayber ng motorsiklo, nang mabangga sa San Fernando, Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Emilio Endrano, Chief of Police ng San Fernando, Municipal Police Station, dakong alas 8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa National Highway, Brgy. Grijalvo sa nabanggit na bayan, habang binabagtas ng topdown drayber na si Vicente Nollio-ra y De Guzman, residente ng Brgy. Beberon, kasama ang sakay na si Richard Pardiñas y Colaway, nang bigla nitong iniwasan ang barikada na kung saan may kasalukuyang patrabaho sa area at aksidenteng nabangga ang kasalubong na motorsiklong minamaneho ni Niecy Notado y Notario, 29 taong gulang, PNP member nakadestino sa Camarines Sur PPO na nabangga din ang kasunoran nitong motorsiklo na minamaneho ni John Klein Perua y Moico, 22 taong gulang, residente ng Brgy. Antipolo, Minalabac.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire
Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kapwa biktima at ang drayber dinala sa ospital.

Lumabas sa imbistigasyon na ang lugar na pinangyarihan ay may street light at malawak ang daan kaya lamang ay dahil sa matinding pag-iwas, nakain ang kabilang linya na ikinagulat din ng drayber at ng kasalubong.

Ang mga sasakyan ay parehong nasa kustodiya na ng PNP.