Pangulong Marcos, nilinaw din na hindi magpapatupad ng fishing ban

Hindi magpapatupad ng fishing ban ang gobyerno.

Ito ang nilinaw ni Pangulong Bongbong Marcos sa media interview kaninang umaga sa Iriga City, Camarines Sur.

Anya, hindi lang maganda ang pagpapaliwanag nito nang sabihin nya ang tungkol sa fishing ban noong namahagi sya ng bigas sa Zamboanga City.

Read More:  6 Central Luzon provinces declared among hardest-hit by typhoons and Habagat

Ang tinutukoy daw ng Pangulo ay yung pagbabawal na mangisda sa mga breeding grounds, para dumami ulit ang mahuling isda.

Read More:  President Marcos urges Filipinos to live by heroic values

Batid din daw kasi nyang kung magpapatupad ng fishing ban, maaapektuhan ang kita ng mga maliliit na mangingisda.

Samanta muling binigyang-diin ni Pangulo Marcos ang kahalagahan ng pagtugon sa over fishing at pagpapalakas ng populasyon ng isda at aquaculture sa bansa.