Init ng panahon,  indirect  ang koneksyon sa Rabies- Naga City Veterinary Office

NAGA CITY – Indirect connection o walang direktang koneksyon ang mainit na panahon sa pagkakaroon ng rabies ng isang aso o pusa.

Ito ang binigyang diin Naga City Veterinarian ni Dr. Junios Elad.

Bagamat kapag mainit ang panahon nagiging iritable ang mga alagang aso o pusa wala pa rin itong kinalaman, dahil kahit nga bakunado na kapag mahina ang resitensya at makagat ng isang galang aso o pusa na may naturang sakit malaki pa rin ang posibilidad na matamaan nito.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang pagkakaalam kasi aniya ng marami kapag mainit, marami rin ang kaso ng rabies.

Ayon pa kay Elad wala na rin pinipiling oras o panahon ang rabies lalo na’t mahaba rin ang nagiging proseso nito sa katawan ng aso o pusa kapag nahawaan o nakagat. Noong 2021 at 2022, 7 at 12 ang naitala sa lungsod simula summer hanggang Disyembre na malamig ang panahon, at ngayong taong 2023 naman dalawang canine rabies na ang naitala.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Tuloy-tuloy naman ang house to house vaccination ng City Vet sa 27 barangay sa lungsod upang masugpo ang sakit na rabies sa mga alagang aso o pusa.