Inisyal na pinsala ng bagyong carina sa sektor ng agrikultura, pumalo na sa higit P6 million

Pumalo na sa P6 million ang inisyal na halaga ng pinsala sa sektor ng Agrikultura sa Lambak ng Cagayan bunsod ng pananalasa ng bagyong Carina.

Inihayag ni DA Region 2 Disaster Risk Reduction and Management Unit Focal Person Paul Vincent Balao na kabilang sa mga lugar na naapektuhan ang pananim ay ang Sta. Maria, Isabela; Kasibu, Nueva Vizcaya at Aparri, Cagayan.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ang sumusunod na datos ay hindi pa validated kung saan ang Isabela ay nakapagtala ng P4. 5 Million na halaga ng pinsala sa pananim na mais habang P1. 6 Million naman ang halaga ng pinsala sa mais at high value vegetables sa Kasibu.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa Aparri naman ay mayroong naitala ng P80, 550 na halaga ng pinsala sa poultrybay livestock industry

Nagpapatuloy ang balidasyon at koordinasyon ng kagawaran sa ibang bayan sa rehiyon upang matukoy ang kabuoang pinsala ng pananalasa ng bayo.