Mental Health Seminar isinasagawa para sa mga kabataan at mga estudyante sa Naga City

NAGA CITY – Nagkakaroon ng mental health seminar sa ilang mga barangay sa Naga City na kung saan ang mga participants ay mga kabataan at mga estudyante sa layuning ma-monitor ang mental status ng mga ito ngayong pasukan na naman sa paaralan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang Mental Health Division ng City Health Office ang nag-initiate ng seminar sa pangunguna naman ni Magno Reyes, registered nurse at division chief na ayon sa kanya ay maganda naman ang resulta dahil sa may mga isyu at katanungan ang mga kabataan na kanilang nabibigyan ng kalinawan at kasagutan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa pakikipag-ugnayan naman ng Brigada News FM Naga, sinabi ni Reyes na kailangan na matutukan ng maigi ang kaisipan at emosyon ng mga kabataan na masayo ng sensitibo at mahina sa pagharap ng mga problemang kanilang nararansan araw-araw mula sa sariling pamilya, sa paaralan at sa komunidad.