Infrastructure damage ng Bagyong #GoringPH, pumalo na sa P41.1M ayon sa NDRRMC

Lumobo pa ang bilang ng mga naapektuhang individwal ni Bagyong Goring na umabot na sa halos 200K, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa bulletin report ng NDRRMC, may tinataya ng 56,410 na ang affected families at halos 50K dito ay nasa 376 na mga evacuation.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Samantala, umakyat na P41.1M ang estimated cost ng danyos sa Infrastructure sa pitong Rehiyon ng kung saan hindi naman pinababyaan ng mga pamahalaan ang mamamayan dahil may halos P8M ng assistance ang naipamahagi.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa panyam naman ng Brigada kay Dir. Edgar Posadas, spokesperson ng Office of the Civil Defense (OCD), sinabi nito na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa LGU at iba pang sanay ng gobyerno para sa agarang assistance sa mga kababayan na apektado ng naturang sama ng panahon.