Ilang indibidwal na sangkot sa illegal operations ng POGO, naghain ng not guilty plea

Naghain ng not guilty plea ang tatlumpu’t talong mga indibidwal na umano’y sangkot sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay Atty. Gloria Quintos, ito ang naging tugon ng naturang mga POGO workers sa harap ng Pasay Regional Trial Court Branch 111 sa paglabag sa violation of Republic Act (RA) 8799 o ang Securities Regulation Code kaugnay ang RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Hindi umano pinayagang personal na magpunta sa korte ang mga ito, kaya sa video conference na lang sila naka-attend.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Samantala, binigyang-diin ni Quintos na hindi pa rin nga mga ito natutukoy ang isang Chinese respondent.

Hindi aniya ma-locate ang kinalalagyan nito ngayon, at wala na silang naging komunikasyon simula nang mawala ito.