Lalo pang bumilis ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, naitala ang 5.4% na inflation ngayong Mayo.
Mas mabilis ito sa 4.9% noong Abril; at 4.1% sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Ito na rin ang pinakamabilis na inflation magmula pa noong December 2018 na naitala lamang sa 5.2%.

Bago ito, una nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang patuloy na paglobo ng presyo ng produktong petrolyo ay maaaring mag-contribute sa mabilis na pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin.