Bilang ng naitalang kaso ng Dengue sa Camarines Norte bumaba noong Mayo

CAMARINES NORTE- Bumaba ang bilang ng mga naitalang kaso ng Dengue sa lalawigan ng Camarines Norte noong ikalawang bahagi ng Mayo.

Batay sa datos ng Department of Health mula Mayo 15- 21 ay zero case ang lalawigan kumpara sa dalawang naitala sa parehong panahon noong isang taon.

Pero pangalawa ang Camarines Norte sa may pinakamaraming kaso ng Dengue sa rehiyon.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Mula Enero hanggang Mayo 21, 2022 ay nasa 77 ang naitalang kaso  sa likod ng Camarines Sur na mayroong 228 sa nabanggit na panahon.

Para maiwasan ang Dengue,  ipinapayo ng DOH sa komunidad na sundin ang 4’ o clock habit o 4S strategy.

Ito ay ang Search & Destroy o hanapin at sirain ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok.

Self-protection o Protektahan ang sarili mula sa lamok, gumamit ng mosquito repellant kung maaari.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Seek early consultation o agad magpatingin sa doktor sakaling makitaan ng sintomas na dengue fever gaya ng taas-babang lagnat nang higit sa dalawang araw, rashes at pagdurugo.

At Say ‘no’ to indiscriminate fogging o huwag basta bastang magsagawa ng fogging at sabihan ang mga taong gumagawa nito.

Pinangangambahan ang pagtaas ng mga kaso ng dengue tuwing panahon ng tag- ulan.