Infectious diseases expert, nagbabala sa posibleng epekto ng pagalis ng mask mandate sa Cebu

Nagbabala ang ilang eksperto hinggil sa mga posibleng implikasyon sa pag-aalis ng mask mandate.

Ito ay makaraang ilabas na ng order si Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang isang order na kung saan ay hindi na required ang pagsusuot ng face masks sa mga open spaces at outdoor areas sa Lalawigan ng Cebu.

Ayon kay infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante, bagamat mababa na ang tiyansang makahawa ng COVID-19 outdoors, ay hindi naman ito nangangahulugang imposible na ang transmission ng virus.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Aniya, bagamat nirerespeto nila ang independence ng isang lokal na Gobyerno para magpatupad ng hiwalay na guidelines sa pandemic response – ang pag-iisyu pa rin ng isang kritikal na order ay kinakailangang dumaan sa masusing pag-aaral.

Read More:  Cayetano warns of ‘sabotage’ in impeachment process ahead of 2028 elections

Sa oras daw kasi na hindi na magsuot ng face masks, magkakaroon ng mataas na risk na mahawaan ang vulnerable sector kagaya na lamang ng mga matatanda, pati na rin ang immunocompromised individuals.

Aniya, kahit na mababa ang mga naitatalang kaso ng COVID-19, hindi pa rin dapat magpaka-kampante lalo na’t mayroong pa ring banta ng hawaan nito lalo na’t nakapasok na ng bansa ang mas nakahahawang subvariants ng Omicron.
#