DILG hindi kikilalanin ang EO ni Cebu Gov. Garcia kaugnay sa pagsusuot ng face mask

Hindi kikilalanin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang executive order na inilabas ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na nag-uutos na gawing opsiyunal ang pagsusuot ng face mask sa mga well-ventilated at open spaces sa lalawigan.

Sa halip ipinag-utos ni DILG Secretary Eduardo Año sa pulisya na ipagpatuloy ang “confront, apprehend, and arrest” sa lahat ng lumalabag sa minimum public health standards (MPHS) na kinabibilangan ng mandatory na pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar alinsunod sa Inter Agency Task Force (IATF) guidelines.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Binigyan diin ng kalihim na ang guidelines ng IATF sa pagtalima ng minimum public health standards lalo na sa mga pampublikong lugar ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Sinabi ni Año na ang pagsunod ng publiko sa health protocols ay nananatiling isa sa susi para matalo ang pandemya.

Dagdag pa nito, ang minimum public health standards din at ang vaccination program sa bansa ang tumulong na mapanatiling mababa ang mga kaso ng COVID-19 sa kabila ng paglutang ng mga bagong subvariant.