Isa pang barko, lumubog sa Mariveles, Bataan

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na isa pang barko ang lumubog noong Sabado sa Mariveles, Bataan.

Batay sa initial underwater assessment kahapon, na-identify ng PCG ang barko bilang MTKR Jason Bradley sa lalim na 9 na metro mula sa maputik na bahagi ng seabed na nasa 6 na yard ang layo mula sa pampang.

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Nakumpirma rin ng mga diver ng ahensya na naglalaman ang motor tanker ng diesel cargo na hindi pa natutukoy ang dami.

Read More:  384,527 families affected nationwide by bad weather

Taliwas ito sa naunang inilabas na deklarasyon ng shipping company na nagsabing walang karga ang MTKR Jason Bradley.

Nagsagawa naman agad ang PCG ng capping o pagtakip sa leak ng barko, kaya’t naagapan pa ang pagtagas nito.