Indonesian Tug boat na nasiraan sa Sampaloc area ininspeksyon ng PCG

Ininspeksyon ng Philippine Coast Guard ang tug boat na nasiraan sa karagatang sakop ng Sampaloc area, Subic.

Ayon kay Petty Officer 2 Nathaniel Gamis, PCG Subic Station Commander, galing ng Taiwan ang TB Zahirra na humihila sa barkong MV Kimbereley patungo sana ng Indonesia.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ang barko ay wala umanong sakay na tao kundi ang tug boat lamang na humihila dito na nasiraan.

Dagdag ni Gamis, naakyat na nila ang tug boat at nasa maayos namang kalagayan ang labing isang Indonesian crew na pinapadalhan naman umano ng pera para sa pagkain ng may-ari ng barko.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Mayroon naman umanong mga dokumento ang mga ito habang ang barko ay iinspeksyunin rin ng PCG.

Base sa impormasyon, Marso pa aniya ang barko at tug boat sa lugar subalit nito lamang nakalipas na araw ito naireport sa PCG Subic Sub-Station.