Indibidwal na may tattoo, puwedeng maging blood donor

SORSOGON CITY – Sa harap ng kaliwa’t kanang mga bloodletting activities na isinasagawa ngayong summertime, tiniyak ni City Health Office (CHO)-head Dr. Rolando Dealca na hindi bawal maging blood donor ang isang taong mayroong tattoo basta siya ay kwalipikado.

Pahayag nito, kahit tadtad pa ng tattoo ang isang tao na gustong maging blood donor basta’t ang kanyang tatoo ay ginawa isang taon na ang nakalilipas ay kwalipikado itong magbigay ng dugo.

Read More:  NHA turns over ₱2.266-m condo to Baterbonia family, fulfilling late Bobet’s dream

Ang nasabing peryodo kasi umano ay sapat na upang makita at madetermina kung ang indibidwal ay nahawa ng sakit dahil sa kanyang pagpapatattoo.

Read More:  Truck driver arrested after betting ₱40,000 company funds on scatter game in Cebu City

Dagdag pa ng opisyal, hindi na rin naman umano ito ‘big deal’ lalo na sa panahon ngayon na ang tattoo ay kinokonsidera nang isang sining ng karamihan.

Una rito, marami ang naniniwala na ang isang taong mayroong tattoo ay hindi puwedeng maging blood donor.