India, nagtala ng 179,723 new COVID cases

Hinigpitan ng northern Chinese city ng Tianjin ang exit controls at nirerequire ang mga residente na kumuha ng approval mula sa kanilang employers o community authorities, bago umalis sa kanilang lugar.

Layunin ng bagong hakbang na maharangan ang pagkalat ng mas nakakahawang Omicron variant.

Ayon sa National Health Commission, ang port city sa southeast ng Beijing ay nagtala ng 21 domestically transmitted cases.

Sa kabilang dako, sa India nagtala ang naturang bansa ng 179,723 na mga bagong kaso ng COVID-19, na pinakamataas simula noong Mayo, dahilan para sumipa ang total tally nito sa 35.71 million, habang ang death toll ay lombo rin sa 483,936.

Samantala, sa Hong Kong, posibleng gawin ang kauna-unahang legislature meeting ng 2022 sa pamamagitan ng online, matapos na mahigit 30 opisyal at mambabatas ay naka-quarantine kasunod ng COVID infections. //MHEL PACIA