Myanmar’s Suu Kyi, naharap sa bagong convictions, jail term

Hinatulan ng Myanmar junta court si Aung San Suu Kyi ng tatlong criminal charges, kung saan haharap ito sa apat na taong pagkakakulong.

Mababatid na ang Nobel laureate ay nakakulong simula pa noong February 1 ng nakaraang taon nang patalsikin ang kanyang gobyerno sa isang kudeta.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Batay sa ulat guilty umano si Suu Kyi sa dalawang kaso na may kaugnayan sa ilegal na pag-angkat at pag mamay-ari ng walkie-talkies at ang isa naman ay paglabag sa panuntunan laban sa coronavirus.

Kinumpirma naman ang ulat ni Junta spokesman Major General Zaw Min Tun, at sinabing mananatili si Suu Kyi sa house arrest, habang nagpapatuloy ang iba pa nitong mga kaso.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Ang bagong hatol ay naidagdag sa penalidad na ibigay ng korte noong Disyembre nang makulong ito ng apat na taon dahil sa incitement at paglabag sa Covid-19 rules habang nangangampanya. //MHEL PACIA