Improvements sa mga istruktura ng City Hall puwede na matapos ang desisyon ng Korte Suprema

NAGA CITY –Aasahan na ng mga taga lungsod ang mga mangyayaring improvement sa paligid ng Naga City Hall at sa iba pang bahagi ng limang ektaryang lupa na sakop nito, kabilang na ang sa civic center na kinatitirikan ng Jesse Robredo Museum.

Ito’y matapos na tuluyan ng mapanalunan ng LGU-Naga ang ownership ng lupain na tinangkang bawiin ng mga tagapagmana ng pamilyang Mariano na inilaban sa korte.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa talumpati ng alkalde, sinabi ni City Mayor Nelson Legacion na matutuloy na ang iba pa nilang plano lalo na sa mga istraktura at mga opisina.

Puwede na aniyang gumalaw ng na aayun sa plano para sa kapakanan ng mga Nagueno, sabi ng alkalde.

Bukod pa diyan ay pag-aasikaso na sa mga titulo ng lupa na ma-i transfer na sa pangalan ng City Government.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Maraming pinasalamatan si Legacion sa mga sumuporta sa paglaban-legal sa korte.

Pinaka special mention niya si dating Solicitor General Atty. Joel Cadiz, bukod kina Atty. Angel Ojastro, dating legal officer na siyang lumaban legal para maipanalo ang kaso pagkatapos ng 19 na taon.