𝟰𝟯 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗜𝗦𝗜𝗗𝗥𝗢, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗥𝗜𝗟-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗧𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗟𝗢

Patay na nang maisugod sa hospital ang isang 43 anyos na lalaki mula sa Camarag, San Isidro Isabela makaraang barilin ng isang lolo na residente rin sa nasabing lugar.

Ang biktima ay kinilalang si Richie Ancheta, may-asawa, OFW at ang suspek naman ay si Apolonio Sicam Jr. 64 anyos, na kapwa residente sa Camarag San Isidro Isabela.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Mag-aalas diyes ng umaga kahapon (June 18, 2023) ng makatanggap ng tawag ang San Isidro PNP hinggil sa naturang shooting incident.

Rumespunde ang mga kapulisan at dito nadatnan ang biktima na duguan na nakahandusay sa sala ng kanyang bahay na agad dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Bago ang pangyayari, nagkaroon ng maiinitang pagtatalo ang dalawa malapit sa bahay ng biktima kung saan dumating din si Brgy. Captain. Marlon Millan sa lugar para sila sana ay awatin.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ilang sandali pa, bumunot ng baril ang suspek tsaka nito pinaputukan ang biktima.

Tinangka pang tumakas ng suspek subalit naaresto rin ito at nasa kustudiya na ng kapulisan para sa tamang disposiyon.