CAMARINES NORTE – Binigyang diin ng Provincial Government ng Camarines Norte ang importansya ng pagdaraos ng Sports Festival sa lalawigan.
Sa mensaheng hatid ni Dr. Sarah Marie Aviado – Provincial Information Officer, ang kapitolyo umano ay hindi lamang lugar ng paggawa at trabaho kundi isang lugar na nagaganap ang pag-unlad sa iba’t-ibang aspeto kabilang ang professional, personal, social at physical na mga konsepto”.
Aniya sa ganap na pagbubukas ng Inter-Office Sports Fest ang Provincial Government ng Camarines Norte ay nangangahulugan ring Pag-ibig, Gilas, Camaraderie at Ngiti.”
Sa dala-dalang mensahe ni Dr. Sarah, ay kalakip rin nito ang magaang panawagan na dalhin ang mga nabanggit na values at character hanggang sa matapos ang sports fest.
Ang Inter Office ay binubuo ng walong Cluster kung saan ang isang cluster ay binubuo ng tatlo hanggang limang mga tanggapan na siyang magsasama at magsisilbing grupo para pagtulong-tulungan ang kampyonato sa Sports Festival 2023.
Matatandaan, nitong ika-18 ng Agosto ay pormal nang binuksan ang Sports Fest sa Kapitolyo kung saan naganap rin ang isang maiksing parada sa parehong araw na dinaluhan ng mga kawani ng Provincial Government.
Ang Sports Festival ay inaasahang magtatagal ng dalawang linggo ayon sa pamunuan at tanggapan ng Provincial Sports na siya ring nangunguna sa pagsasagawa ng nabanggit na gawain. Dagdag pa rito, ang kasalukuyang nagaganap na Inter-Office Sports Festival sa Kapitolyo ay bahagi rin ng paghahanda para sa selection of players at kinatawan ng Provincial Government sa nalalapit na ika-123 Civil Service Month ngayong Setyembre.
