Mga Pilipinong nasawi sa Maui, umabot na sa 6

Dalawa pang Pilipino ang dinagdag sa listahan ng mga nasawi sa Maui wildifre sa Lahaina, Hawaii, na kumukumpirmang anim na ang kabuuang nasawing Pilipino sa nasabing trahedya.

Kinumpirma ng Maui County ang mga nasawi na sina Salvador Coloma, 77 taong gulang, at Carlo Tobias, 54 taong gulang.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Ayon sa anak ng isa sa mga nasawi na si Rachel Tobias, nag-match ang DNA sample sa na-recover nilang katawan.

Sa ngayon, patuloy pa rin pinaghahanap ang walong myembro sa pamilya ni Salvador Coloma, kasama ang kanyang asawa na si Lydia Coloma, mga kamaganak na sina Joel Villegas, Adela Villegas, Junmark Quijano, Felimon Quijano, Luz Bernabe, at Glenda Yabes.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 1,100 katao ang naitalang nawawala sa Maui.