Inilabas ng Department of Health ang listahan ng immunocompromised conditions na eligible para sa karagdagang COVID-19 vaccine dose.
Una nang nakipagpulong ang DOH sa mga eksperto ng COVID-19 vaccine para talakayin ang panuntunan para sa elderly (A2 category) at immunocompromised persons.
Sa ngayon, hindi pa inaanunsyo ang rollout para sa pagbabakuna ng booster o third doses para sa A2.
Samantala, ang immunocompromised individuals na may mga sumusunod na kondisyon ay eligible para sa third dose o booster jab na kinabibilangan ng autoimmune disease; HIV; cancer/malignancy; transplant patients; mga sumasailalim sa steroid treatment; at mga pasyente na may poor prognosis/bed-ridden patients.

Batay sa datos ng ahensya, nasa 4.2 million senior citizens at 7 million persons with comorbidities, kasama ang miyembro ng kanilang household, ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD