Inilatag ni Pangulong Bongbong Marcos ang kaniyang mga marching orders para sa bagong Finance Sec. na si Ralph Recto.
Sa panununmpa ni Recto sa Malacañang – sinabi ng Pangulo na inatasan niya itong bumalangkas ng mga pamamaraan para maibsan ang epekto ng inflation.
Pinatututukan din sa Kalihim ang mga anti-smuggling efforts ng Gobyerno, pati ang pagpapalakas sa Government revenue, at programa laban sa tax evasion.
Naibahagi naman ni Marcos na kumpiyansa siya sa kakayahan ni Recto, lalo na’t nasaksihan niya raw nang personal ang galing nito nang makasama niya ito sa Kamara at sa Senado.
Samantala, nagpasalamat pa rin ang Pangulo kay dating secretary Benjamin Diokno para sa mga naimbag nito sa ekonomiya ng bansa.
Sabi ni Marcos – inalok niya pa raw si Diokno na mapabilang sa board ng Maharlika Investment Fund, ngunit mas pinili nitong bumalik sa Bangko Sentral ng Pilipinas.