Imbestigasyon sa kaso ni Guo, ipagpapatuloy na ulit ngayong araw; Guo – hindi makakadalo

Nakatakda na mamayang alas dyes ng umaga ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado hinggil sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa, partikular na ang kaugnayan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo rito.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, obligadong dumating si Guo sa pagdinig dahil ‘under compulsion of law’ ang ginawang pagsisilbi ng subpoena laban sa kanya at sa iba pang personalidad.

Anya, kung idadahilan ng alkalde ang pagiging traumatized niya dahil sa mga naunang pagdinig kapareho ng binanggit ng kanyang legal counsel ay marapat lang umanong makapagprisenta ito ng medical certificate bilang ebidensya.

Maalala, nagsumite na ng ‘explanation letter’ ang alkalde sa Senado na hindi siya muli makakadalo dahil hindi pa rin umano siya physically at mentally fit.

Samantala, sinabi rin niyang tumanggi ang kanyang medical professional na mag-issue ng medical certificate dahil sa takot nitong makaranas din ng pamamahiya tulad ng di umano’y nararanasan ni Guo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *