Kakulangan sa tubig sa loob ng billeting areas ng Bicol Region, nararanasan sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City

LEGAZPI CITY – Nararanasan ngayon ng mga delegado ng Bicol Region ang umano’y kakulangan sa tubig sa loob ng ng kanilang billeting areas sa Don Sergio Osmeña Memorial High School sa Cebu City sa Palarong Pambansa 2024.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Bicol, Education Support Services Division and Regional Sports Coordinator Ronald Asis, isa umano sa mga alalahanin ngayon ng ahensya ay ang mahinang daloy na tubig sa lugar kung saan sila kasalukuyang namamalagi.

Aniya, posible rin umanong hindi lang ang Bicol Region ang nakakaranas ng kaparehong problema sa tubig kundi buong area umano ng Cebu City.

Ngunit sinabi ng opisyal, na nagagawan naman umano ng paraan ang nasabing problema dahil mayroon umanong in charge committee sa tubig. Mayroon din naman umanong na nag-iikot o pumupuntang fire truck para magbigay ng supply ng tubig sa mga delegado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *