Isang mangingisda, patuloy pa ring pinaghahanap matapos mawala sa WPS

Isiniwalat ni Senate Majority Leader Francis Toletino ang pagkawala ng isang mangingisdang nagngangalang Jose MondeƱedo sa West Philippine Sea malapit sa Bajo de Masinloc.

Nangyari umano ito bandang alas dose imedya ng tanghali noong July 7 matapos ang pagbangga ng di umano’y malaking barko na may Chinese character at may pangalang ‘Yang Fu’ na siyang naging dahilan ng paglubog ng bangka ni Jose.

Pero ayon sa senador, maituturing na commercial vessel ang bumangga rito at hindi isang military vessel.

Sa kasalukuyan, hawak na umano ng senador ang mga coordinates kung saan ito eksaktong nangyari at patuloy lang din ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahanap dito.

Anya, bagamat tama na ang International Maritime Organization (IMO) ang makakatukoy sa totoong registry nito ay dapat munang mas pagtuunang pansin ngayon ang pagkawala ng mangingisdang si Jose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *