Usap-usapan ang mga alegasyong may relasyon ang on-screen partners na sina Claudine Barretto at ang starting young actor na si Yasser Mata matapos makitang magkasamang mag-celebrate ng New Year’s Eve.
Kasalukuyang magka-tambal ang dalawa sa isang ongoing teleserye, kung saan ipinapakita nila ang May-December romance o yung relasyon na may malaking age gap.
Ngunit imbes na magkaroon ng hindi magandang reaksyon sa pagdududa ng mga netizens, ikinatuwa pa ito ng dalawa.
Ayon kay Claudine, patunay lamang daw ito na effective sila bilang mga aktor dahil naniniwala ang mga taong may relasyon talaga sila.
