Dalawang panibagong kaso ng mpox, nakumpirma ng QC-LGU

Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na may dalawa pang panibagong kaso ng mpox ang naitala sa lungsod.

Ayon sa alkalde, ang nagpositibo sa mpox ay isang 29 at 36 na taong gulang na mga lalaki.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Sa ulat ng QC Epidemiology and Surveillance Division, nagpakita ng sintomas ang 29-anyos, habang nilagnat naman ang 39-anyos at nagpositibo.

Nagsagawa naman ang LGU ng contact tracing para sa mga nakasalamuha ng dawalang pasyente.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Tiniyak ni Belmonte, na hindi pababayaan ang mga bagong kaso ng mpox, at tiniyak din ang mabilis nilang pagpapagaling.

Sa huli, pinag-iingat ni Mayor Joy ang publiko sa naturang sakit dahil mabilis itong makahawa lalo na sa mahihina ang immune system.