Ilulunsad na proyekto ng mga Kapitan, dapat para sa kapakanan ng mga residente at hindi sa mga pansariling interes – DILG Sorsogon

Strategic Plan o Tamang pagpaplano ito ang panawagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon sa lahat ng mga Barangay Chairman pagdating sa paglulunsad ng mga proyekto sa kanilang nasasakupang barangay.

Ayon kay DILG Sorsogon head Arnel Madrideos, mahalaga na ang bawat proyekto ay laging nakabatay sa plano upang maramdama at mapakinabangan ito ng mga residente ng barangay kahit man maliit ang pondo nito.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Paliwanag nito, may mga pagkakataon kasi na isinasabay ng mga opisyal ang kanilang pansariling interes sa kanilang mga isinasagawang proyekto kung kaya kahit malaki ang pondo ay hindi naman napapakinabangan ng kanilang mga naasasakupan.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Aniya, may ilang opisyal kasi na nagsasamantala sa proyekto at pinagkakakitaan na dapat na umanong maiwasan lalo pa at mayroong mga barangay na maliit lamang ang pondo base sa kanilang Internal Revenue Allotment (IRA) kung kaya kailangan na nagagamit ng maayos ang bawat sentimo mula sa taumbayan.