6 sabungero, arestado dahil sa tupada sa Cuenca, Batangas

Kulungan ang diritso ng anim na mga indibidwal matapos na maaresto sa ikinasang raid ng mga awtoridad laban sa iligal na sabong sa Brgy. Dalipit West, Cuenca, Batangas.

Ayon sa Cuenca Municipal Police Station, lima sa mga suspek ay taga-Cuenca habang isa sa mga ito ay nagmula sa bayan ng Agoncillo, Batangas.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Batay sa report, pasado alas-5:00 ng hapon noong Linggo, Enero 8, inilunsad ng Cuenca MPS ang naturang operasyon matapos makatanggap ng sumbong mula sa isang concern citizen kaugnay sa iligal na sabong sa kanilang barangay.

Sa pagresponde ng mga kapulisan ay kanilang naabutan ang anim na mga suspek na nagtutupada.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Hindi na nagawang makatakbo ng mga ito matapos mabulaga ng mga operatiba.

Narekober mula sa mga suspek ang isang manok na panabong, P300.00 na taya at isang tari.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 449 o ang Cockfighting Law of 1974.