BRP Teresa Magbanua, isasailalim sa repairs

Mission accomplished para kay National Maritime Council Chairman at Executive Secretary Lucas Bersamin ang limang buwang pagpapatrolya ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.

Maaalalang nakabalik na sa Puerto Princesa kahapon ng tanghali ang BRP Teresa Magbanua.

Ayon kay Bersamin, humarap sa iba’t ibang hamon ang BRP Magbanua habang ginagawa nito ang kanyang misyon.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Kabilang na dito ang pagharap sa pulutong ng mga naglalakihang barko na nanghihimasok sa ating teritoryo, gayundin ang pag harap sa hamon na dala ng sama ng panahon, at unti-unti pagkaubos ng supply ng mga crew.

Dagdag ng opisyal, naisakatuparan din ang misyon dahil sa dedikasyon at determinasyon ng mga crew mula sa Philippine Coast Guard na sakay ng BRP Teresa Magbanua.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa pagbabalik homeport ng naturang barko, isasailalim ito sa repairs. Habang mabibigyan rin ang mga crew ng atensyong medikal at panahon para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sa oras na matapos ito, lalayag ulit ang BRP Teresa Magbanua pabalik sa karagatan upang ipagpatuloy ang misyon kasama ang ilang PCG at AFP, bilang tagapag tanggol ng ating soberanya.