Hindi sang-ayon ang ilang mga mambabatas na gawing online ang presidential debate para sa mga kandidato sa 2022 Election.
Ito ay kasunod ng pahayag ng Commission on Elections na posibleng gawing hybrid ang set up ng presidential debate.

Ibig sabihin, pwedeng payagan ang mga kandidato na dumalo sa debate online or physically present sa venue.
Ayon kay senate minority leader Franklin Drilon posible magkaroon ng coaching kung magiging online ang debate.
Para naman kay Sen. Koko Pimentel maari namang isagawa ang face-to-face debate na hindi lumalabag sa health and safety protocols.
Dagdag pa ng mga mambabatas mahalaga ang presidential debate dahil dito malalaman ang kakayahan ng mga kandidato sa pagprepresenta ng kanilang mga plano sakaling mahalal sa pwesto.