Mga dumagsa sa Dolomite Beach pinayuhan ng DENR na magself-quarantine

Pinayuhan ng Department of Environment and Natural Resources ang mga taong dumagsa noong weekend sa Dolomite beach na mag-self quarantine.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda mas mabuting imonitor ng mga pumunta sa beach ang kanilang mga sarili.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Ito ay kasunod ng pangamba na baka maging super spreader ang pagdagsa ng mga local tourist sa Manila Bay noong weekend.

Batay sa taya ng Manila Police district, tinatayang nasa 65,000 katao ang pumunta sa artificial white sand noong linggo.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Tiniyak naman ng DENR na magtatakda sila ng mga bagong panuntunan upang maiwasan na maging source ng hawaan ng COVID-19 ang pagpunta sa Dolomite beach.