Ilang Senador, nanawagan sa Pangulo na magtalaga na ng full-fledged DA Secretary

Hinikayat ni Senadora Grace Poe si Pangulong Bongbong Marcos na magtalaga na ng bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA) na tututok sa sektor ng agrikultura partikular na sa supply ng bigas ng bansa.

Ayon sa privilege speech ni Poe, sa kabila ng maliit na porsyento ng bigas na nangagaling sa India ay tiyak siyang magkakaroon ng latay sa bansa ang pagtigil nito sa pag-eexport.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Kaugnay nito, pinanawagan niya ang pagkakaroon ng agarang pagtutok sa nag-aambang pagnipis ng supply ng bigas na maaring magdulot ng pagtaas ng presyo.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Dagdag pa niya, makatutulong din sa produksyon ng bigas ang paglutas ng tagas sa irrigation system ng bansa, pagkakaroon ng climate at disaster proof na mga palayan, paghahanap ng rice variant na makaka-adapt sa El Niño at maging pagpapataas ng budget sa DA sa susunod na taon.
#