Pinay na ginawaran ng Order of the British Empire Medal, nag-courtesy call kay PBBM

Malugod na tinanggap sa Palasyo ng Malacañang ang Pinay nurse na ginawaran ng Order of the British Empire Medal o BEM sa New Year’s Honour List ni Queen Elizabeth II noong taong 2021, na si Charito Leonardo-Romano.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, hindi nya pinalampas ang pagkakataon na parangalan si Charito, bilang pagpapasalamat sa kanyang naging kontribusyon at sinabing inspirasyon daw ang mga kababayang pinakikilala sa mundo ang galing at malasakit ng Pinoy.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Tiniyak din ng Pangulo ang tuloy-tuloy na suporta para sa mga health care workers sa loob at labas ng bansa.
Si Charito ay ginawaran ng BEM bilang pagkilala sa matapang at tapat nilang serbisyo noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
#