Ilang senador, isinulong ang house-to-house inoculation para sa senior citizens

Hinimok ni Senator Christopher Bong Go ang mga local government units na iprayoridad ang mga senior citizens sa pagpapabakuna kontra COVID-19 sa pamamagitan ng house-to-house inoculation.

Umapela si Go sa mga LGUs na magbahay-bahay na lamang ang mga ito dahil meron mga matatanda ang takot lumabas ng kanilang bahay para makapunta sa vaccination center.

Kaugnay nito ay nagpahayag naman si Senator Panfilo Lacson ng suporta  para sa paggamit ng legal at creative na paraan para himukin lalo ang mga Pilipino na magpabakuna at upang makamit na ng bansa ang herd immunity sa lalong madaling panahon.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Inihayag naman ni Senator Nancy Binay na dapat ay paspasan na ng Department of Health ang paglalabas ng COVID-19 vaccines na nasa stock nito para matugunan ang tumataas na demand ng A4 priority group.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Ipinunto ni Binay na hindi katanggap-tanggap ang pagsasara ng ilang inoculation centers sa Metro Manila dahil sa kabiguan ng Department of Health na mag-deliver ng mga bakuna sa itinakdang oras.

Dagdag ng senadora, hindi mapapakinabangan ang mga bakuna kung itatambak lang ang mga ito sa mga storage facilities.