Ilang senador, hindi kumbinsido sa mga lumulutang na rason sa naging pagpapaalis kay dating SP Zubiri

Duda si Senate Minority Leader Koko Pimentel na ang inoperahang paa ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. dahil sa tendon injury ang rason ng coup d’etat o pagpapaalis sa pwesto kay dating Senate President Migz Zubiri.

Anya, injured na ang paa ibig sabihin hindi na ito makakasipa pa kayang malabong ito ang rason.

Bagamat una ng inamin ni Revilla na isa ito sa mga dahilan ngunit hindi ito ang pinakarason ng pagsipa sa pwesto kay Zubiri.

Samantala, hindi rin kumbinsido si Senadora Nancy Binay na ang issue ng charter change (Chacha) o People’s Initiative (PI) ang problema dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naman umano ito tinutuldukan ni Senate President Chiz Escudero.

Sa kabilang banda, kinwestyon ni Escudero ang naging pahayag ni Albay 1st Representative Edcel Lagman na maaring lumusot sa kanyang liderato ang economic Chacha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *