Ilang purok sa 2 barangay sa City of Ilagan, isinailalim sa localized lockdown

Isinailalim sa localized lockdown ang ilang purok sa Barangay Cabannungan 2nd  at Sta Isabel Sur, City of Ilagan kahapon, August 6,2021 alas 8:00 ng gabi na magtatagal hanggang August 10,2021.

Batay sa inilabas na Executive order no. 33 ng local na pamahalaan ng City of Ilagan, ang naturang mga purok ay kinabibilangan ng purok 1, 3 at 4 ng Barangay Cabannungan 2nd  habang purok 1 at 6 naman sa barangay Sta Isabel. Sur.

Nakapaloob sa nasabing executive order na nakapagtala ang nabanggit na barangay ng panibagong mga kaso ng COVID-19 sa nakaraang tatlong araw.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Limitado naman ang maaring paglabas ng mga apektadong residente maliban na lamang sa mga may pangangailang medical at mga pinapayagang magtrabaho.

Hindi rin umano pinapayagang lumabas ang mga senior citizec edad 65 pataas, mga kabataang edad 18 pababa, mga may comorbidities o iba pang vulnerable na mga indibidwal.

Magsisimula naman ang curfew hours mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga habang ipinatupad din ang liquor ban.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Magbibigay naman ang LGU City of Ilagan ng food packs sa mga apektadong residente sa ilalim ng localized lockdown.

Sa ngayon ay kabilang ang City of Ilagan sa mga lugar na naikategorya bilang moderate risk kung saan mayroon nang kabuoang 24 na aktibong kaso ng COVID-19 ang lunsod.

Bumaba naman sa 1.74% ang Average Daily Attack Rate (ADAR) ng lunsod habang tumaas naman sa 22.58% ang kanilang 2 weeks growth rate.