Ilang private hospitals balak nang kumalas sa Philhealth accreditation – PHAPI

Umabot na sa P20-Billion ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga pribadong ospital.

Ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) ito ay sa kabilang nang naunang pahayag ng Philhealth na nakapaglabas na ito ng P10-billion para pambayad sa mga ospital.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Paliwanag ni PHAPI president Jose Rene de Grano, maraming mga pagamutan ang nagrereklamo pa rin dahil wala pang natatanggap na bayad mula sa state insurer.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Dagdag pa ni De Grano may mga ospital ang nagbawas na nang tauhan para makapagpatuloy ng operasyon sa gitna ng pagka-antala ng bayarin ng Philhealth.

Inihayag naman ni de Grano na ilang pagamutan ang pinag-iisipan nang kumalas sa accreditation ng Philhealth.