Ilang political parties, umaapela sa Comelec na payagan ang selfie sa mga sortie

Kinumpirma ng DILG na ilang political parties ang nagsumite ng petisyon sa Commission on Elections na payagan ang selfie sa mga campaign rallies.

Sinabi ni DILG Spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na hinihintay din nila ang magiging desisyon ng Comelec sa isyu.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Ayon kay Malaya, deputized lamang sila ng Comelec at hindi sila ang gumagawa ng polisiya.

Matatandaan na kabilang sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng Section 14 ng Comelec resolution 10372 ang pagkuha ng selfies, picture at iba pang kaparehong aktibidad na magiiging daan para magkalapit nang pisikal ang mga kandidato, kanilang mga kasamahan at ang publiko.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Nakasaad din sa resolusyon na ang paglabag sa Section 264 ng Omnibus Election Code ay maaaring mapatawan ng pagkakakulong nang hindi bababa sa isang taon at hindi lalampas ng 6 na taon.

Madidiskuwalipika naman sa paghawak ng public office at maaalisan ng karapatang bumoto ang sinumang mapapatunayang guilty maliban pa sa pagbabayad ng penalty na P10,000