Ilang Pilipino sa Israel, inulat na nawawala matapos ang pag-atake ng Hamas sa bansa

Nakatanggap ng ulat ang isang pinuno ng Filipino Community (FilCom) sa Israel tungkol sa mga nawawala nilang kamaganak sa gitna ng paglala ng matagal nang hidwaan ng Israel at Palestine.

Ayon kay FilCom leader Marc Pleños, na naka base sa Israel city ng Tel Aviv, natatakot raw ang mga kaanak nito na baka kabilang ang mga nawawalang Pilipino sa mga nabihag ng Palestinian militant group na Hamas.

May mga tumawag raw kasi kay Pleños na nagsasabing na-hostage ang kanyang asawa at dinala sa Gaza matapos dakpin malapit sa border, habang nagsasagawa ng isang job mission.

Gayunpaman, binigyang diin ng FilCom leader na hindi pa ito napapatunayan ng mga awtoridad sa Israel at hindi pa kinukumpirma ng gobyerno ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *